Pagsuko
Bakit kaya may mga taong ayaw pang sumuko sa isang sitwasyon na kasuko-suko na? Bakit kaya may mga taong kahit pinakikitaan na ng dahilan para bumitaw, patuloy pa rin nakakapit? Bakit kaya may mga taong kahit wala ng pinanghahawakan, patuloy pa rin na umaasa.
You wanna know the answer? Okay, let me tell you this story...
May isang lalaki na lubos na nagmamahal sa kanyang nililigawan na babae. Masaya sila pareho kahit nagliligawan at nagkakakilanlan pa lang sila. Ilang buwan silang patuloy na ganun ang nangyayari, lumalabas, kumakain at nagbo-bonding na kung makikita mo ay aakalain mong sila na talaga. Pero, dumating ang isang araw at nabago ang lahat. Naisipan ni babae na itigil ang lahat dahil sa personal na dahilan. Pinaliwanagan nya ang lalaki na walang problema sa kanila, sadyang sya ang may problema at gusto nya muna mapag-isa. Kahit lubos na nasaktan ang lalaki, inunawa nya ang babae dahil hindi pa naman sila.
Nakaraan ang mga ilang araw, nagkaka-usap pa rin ang dalawa na para na lamang magkaibigan. Dumating ang isang buwan, unti unti na silang hindi naguusap hanggang sa dumating ang puntong, isang o dalawang linggo na silang hindi nagkakausap.
Kahit na lubos na nasasaktan si lalake, patuloy nyang tinitiis ito dahil sa respetong ibinigay nya sa desisyon ng babae. Hindi nya pa rin ma-ialis sa sarili nya ang pagmamahal nya sa babae dahil yun at yun pa rin ang sinisigaw ng puso nya.
Lumipas na ang mga ilang buwan, bagamat nagkakausap man ang dalawa, madalang na nga lang. Mahal pa rin ni lalake si babae at walang nagbago sa pagmamahal nya. Umaasa pa rin si lalake na balang araw ay babalik si babae para magmahal ulit sa kanya. Wala mang kasiguraduhan ngayon pero patuloy syang umaasa at hindi sumusuko dahil nagkaroon sila ng pangakuan na..
Babae: Sana kapag dumating sa puntong sukong-suko na ako, wag mo ako sukuan ha? Dyan kasi ako magaling eh. Alam mo naman ang mga babae, mabilis magdesisyon pero hindi nagi-isip kaya sa huli, nagsisisi kami.
Lalake: Wag kang mag-alala, hindi ako yung taong mabilis sumuko lalo sa mga pangarap ko sa buhay. Isa ka sa mga pangarap ko kaya hinding hindi kita basta basta susukuan.
Masyadong pinanindigan ni lalake ang mga binitawan nyang salita na kahit hindi nya alam kung paano ba maibabalik sa dati ang pinagsamahan nila ay patuloy syang hindi sumusuko.
Okay. Naintindihan nyo ba yung kwento? Isa lang yan sa mga milyong milyong istorya ng hindi pagsuko.
Pero ano ba yung punto ko dyan?
Minsan sa buhay natin, may dadating na isang tao na ang hirap hirap bitawan. Kahit na sobra ka ng nahihirapan at pakiramdam mo ay si tadhana na yung sumasampal sayo na tigilan mo na, hindi mo pa rin masukuan. Na kahit na alam mong marami ka namang ibang makikita, patuloy mo pa rin kinakapitan yung salitang "Pag-asa" na kahit ikaw mismo ay hindi sigurado kung mayroon nga ba talaga. Hindi naman masama umasa, hindi rin masama ang hindi sumuko pero ang mahirap kasi sa pagsuko ay yung paglimot mo sa katotohanang gusto mo pang lumaban, na kaya mo pa at papatunayan mo sa kanya na kaya mong lumaban sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Kaya hindi na ako magtataka kung bakit may mga taong lumalaban ng walang kasiguraduhan, kumakapit kahit wala ng kinakapitan at humahawak kahit wala ng pinanghahawakan, dahil ang hirap kasi sa pag suko ay yung paglimot sa katotohanan na gusto mo pa, pag papaniwala sa sarili mo na may pag asa pa, paglimot sa pangarap mo na makasama sya, paglimot sa mga efforts na ibinuhos mo para sa kanya at katotohanang mahal na mahal mo talaga sya.
Kaya ikaw, kung may tao man na ganyan sa buhay mo, wag mo ng pakawalan. Sa mundo natin ngayon, bihira na lang yung mga taong lumalaban ng ganyan dahil kadalasan ang sinasabi na ngayon ng iba "Marami naman dyan na iba, wag mo pahirapan ang sarili mo.". Mas masarap pa rin makasama yung taong pinaghirapan ka makuha, hindi yung mabilisan lang. Dahil segurado ka na balang araw, kapag dumating yung unos sa buhay pamilya nyo, alam mong hindi sya susuko basta basta dahil seryoso sya sayo.
Ayun lang, dagger out! Peace :)

Comments
Post a Comment