Why i started blogging?

Bakit nga ba? Hmmm... 

Naalala ko dati nung High School student pa lang ako, lagi akong takbuhan ng mga kaibigan kong problemado. 

"Tats! Tulungan mo naman ako, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayon. Payuhan mo naman ako."

Yan, yan ang madalas kong marinig sa mga kaibigan ko noon, madalas tungkol sa lovelife yung problema nila kahit alam nilang wala pa naman akong experience when it comes to love na yan dati. I never had a girlfriend nung highschool dahil sa itsurang isang ubo na lang ako, ay weirdo ako noon haha. Bago ko sila payuhan, lagi ko silang pinapaalalahanan na "Yung maibibigay ko sayong advice ay hindi command para sundin mo, take this as an option or consideration for you to make a good decision. Nasa iyo pa rin naman yan kung susundin mo or hindi. Tandaan mo, lahat ng nangyayari sa buhay natin ay choice natin na mangyari.". And after initial speech (Wow haha), tsaka na ako magbibigay ng opinion ko. 

Halos sa ganon umikot ang highschool life ko kaya nakilala na rin ako ng ibang mga naging classmate ko na tagapayo. Marami din akong natulungan noon na makapagdesisyon ng ayos. 

So bakit ko nga ba talaga sinimulan to, simple lang. 

Una, katulad nung highschool days ko gusto ko makatulong sa mga taong naguguluhan sa pagdedesisyon. Oo hindi ako yung expert talaga sa pagpapayo pero i am willing to help as far as i can. 

Pangalawa, i jus want express my thoughts. Minsan may mga gusto akong ilabas na saloobin na dinadaan ko sa isang kwento or content. Wala akong mapaglagyan ng mga content na iyon kaya naisipan kong gumawa ng blog. 

Pangatlo, gusto ko maenhance yung english grammar ko. Isa sa pinaka gusto kong mangyari sa akin na hindi ako mabulol kapag nag eenglish kasi kailangan natin yan lalo ss trabaho. Kaya i think dito ko rin sa blog na to sasanayin yung skills ko sa english. 

Pangapat at isa sa nagpush sa akin para ituloy talaga ito, dahil pangarap ko maging blogger and soon to be a Vlogger. Gagawin kong stepping stone tong platform na to para unti unti kong ma-achieve yung mga pangarap ko. 

So ayun, i am hoping and praying na magtuloy tuloy itong blog ko na ito at hindi ako tamarin haha. Alam kong hindi madali na magumpisa ng blog pero anything naman na pinaghihirapan will be worth it kaya tamang tiyaga lang. 

Looking forward for more content.

At ikaw na nagbabasa, sana maging regular reader kita soon :) 

That's all for now! Thank you and God Bless! 


Comments