Pagsuko
Bakit kaya may mga taong ayaw pang sumuko sa isang sitwasyon na kasuko-suko na? Bakit kaya may mga taong kahit pinakikitaan na ng dahilan para bumitaw, patuloy pa rin nakakapit? Bakit kaya may mga taong kahit wala ng pinanghahawakan, patuloy pa rin na umaasa. You wanna know the answer? Okay, let me tell you this story... May isang lalaki na lubos na nagmamahal sa kanyang nililigawan na babae. Masaya sila pareho kahit nagliligawan at nagkakakilanlan pa lang sila. Ilang buwan silang patuloy na ganun ang nangyayari, lumalabas, kumakain at nagbo-bonding na kung makikita mo ay aakalain mong sila na talaga. Pero, dumating ang isang araw at nabago ang lahat. Naisipan ni babae na itigil ang lahat dahil sa personal na dahilan. Pinaliwanagan nya ang lalaki na walang problema sa kanila, sadyang sya ang may problema at gusto nya muna mapag-isa. Kahit lubos na nasaktan ang lalaki, inunawa nya ang babae dahil hindi pa naman sila. Nakaraan ang mga ilang ara...